-- Advertisements --
ROXAS CITY- Umabot na sa 927 ang mga Overseas Filipino Workers o OFW repatriates na nakauwi sa lalawigan ng Capiz.
Batay sa inilabas na datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, pinakamadami ang lungsod ng Roxas na umaabot sa 304, Maayon na may 12, Panay na may 53, Panitan na may 43, Pilar na may 48, Pontevedra na may 48, Pres. Roxas na may 29, Cuartero na may 34, Dao na may 37, Dumalag na may 31, Dumarao na may 47, Ivisan na may 35, Jamindan na may 27, Mambusao na may 70, Sapian na may 20, Sigma na may 39, at Tapaz na may 47.
Samantala, ipinasiguro naman ng PDRRMO na nag negatibo sa Real Time- Polymerase Chain Reaction Test o RT-PCR Test ang mga repatriates bago nakauwi sa lalawigan.