-- Advertisements --

LAOAG CITY – Laking pasasalamat ng pamilya Tumamao sa tulong ng Bombo Radyo Laoag para makauwi na ang OFW na si Mrs. Marilou Tumamao dito sa bansa mula sa Dubai.

Una rito, nagpatulong ang anak ng overseas Filipino worker (OFW) na si Diana sa Bombo Laoag matapos umanong minamaltrato ng among babae ang kanyang ina.

Maliban dito, inaakusahan pa ng among babae ang kanyang ina na nagnakaw sa wedding ring nilang mag-asawa.

Agad inindorso ng Bombo Radyo ang kaso ng nasabing OFW sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa lalawigan at matapos lamang ang ilang araw ay nakauwi na si Mrs. Tumamao sa bansa.