-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Dick Garcia, presidente ng Bannatiran Association of Hong Kong, na may isang overseas Filipino worker (OFW) ang hinuli ng mga pulis sa kasagsagan ng rally ng mga Chinese nationals sa lugar.

Ayon kay Garcia, ang lalaking OFW ay nagtatrabaho sa Disneyland sa Hong Kong bilang entertainer.

Lumalabas na napadaan lamang ang OFW sa lugar pero dahil nakasuot ito ng itim na damit ay napagkamalan ng mga pulis na kasama ito ng mga nagsasagawa ng riot.

Bnigyan naman aniya ng konsulada ng Pilipinas ng tatlong abogado ang OFW at kapag walang maisampang reklamo laban sa kanya sa loob ng 48 oras ay mapapalaya na ito.

Samantala, kinumpirma pa ni Garcia na simula nang mangyari ang kaguluhan sa Hong Kong ay bumaba na ng 10 porsyento ang tourist arrival doon.

Nasa 230 flights palabas at papuntang Hong Kong kasi ang nakansela.