-- Advertisements --

Isinailalim sa quarantine ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong matapos na malantad ito sa dalawang bisita ng kanyang employer na nagpositibo sa bagong coronavirus.

Sa pahayag ng Philippine Consulate sa Hong Kong, wala naman daw ipinakitang sintomas ng sakit at malusog pa rin ang nasabing Pinay worker.

“Given Hong Kong’s strict protocols and heightened emergency alert, even healthy individuals may be subjected to quarantine procedures if there is proof of contact,” saad sa pahayag ng konsulada.

“Rest assured that the PCG (Philippine Consulate General) is in close contact with the HK Department of Health and will monitor her condition [and] render necessary assistance.”

Umaasa naman ang konsulada na mananatiling malusog ang Pinay at makalalabas din kalaunan.

Sa pinakahuling datos, nasa 238,000 ang bilang ng mga Pilipino ngayon sa Hong Kong noong Oktubre 2019 kung saan 219,000 rito ay pawang mga domestic helpers habang halos 20,000 naman ang permanenteng mga residente.

Una rito, inanunsyo ng tanyag na mga amusement parks na Disneyland at Ocean Park sa Hong Kong na pansalamantala munang isasara ang mga ito sa publiko upang mapigilan ang pagkalat pa ng misteryosong virus na nagmula sa Wuhan, China.