-- Advertisements --

Walang tigil ang ginagawang pamimigay ng libreng gatas ni Marlon Pantat De Guzman na isang OFW at naka base sa Hong Kong at residente ng Barangay Capataan, San Carlos City, Pangasinan.

Ang nasabing pamimigay ng libreng gatas ay sinimulan noong May 16, 2021 na bahagi ng kanyang programa na pinamagatang “Hello Barangay Capataan-Health Care Program” na ginagawa linggo-linggo.

Ang libreng gatas ay nagmumula sa Reliv Kalogris Foundation kung saan kanyang ikinonekta ang kanyang Barangay para magkaroon ang mga magulang at kanilang mga anak ng libre at masustansyang gatas, lalo na sa panahon ng Pandemic na dala ng COVID19, na kung saan ay marami ang nawalan ng trabaho o kung hindi naman ay hindi sapat ang kinikita dahil sa pinatutupad ng ECQ, GCQ o MECQ ng pamahalaan sa bawat lugar.

Magugunita na mula pa noong nakaraang taon mula ng magsimula ang pandemya ay walang tigil si Marlon De Guzman sa pagtulong sa kanyang ka-Barangay gaya na lamang ng Medical mission ( Free medicine and medical check-up), pamimigay ng libreng bigas sa mga Barangay Tanod at Grace Guardians( frontliners) pagpapakain tuwing gabi sa mga Barangay Tanod’s checkpoints, feeding program in pack lunch at vitamins sa mga bata, at ngayong taon nga ay inumpisahan nya na ang pamimigay ng libreng gatas sa mga bata.

Hinihikayat din ni Marlon na tumulong palagi sa kapwa kahit sa maliit na paraan ng kanilang kaya, lalo na sa mga taong may higit na kayamanan para ito ay gawin.