-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Pahirapan pa rin sa pagkakaroon ng face mask ang ilang OFWs sa Hongkong kung saan wala naman silang mabilhan kasunod ng nagkaubosang stock o nagmamahalang presyo nito sa nasabing bansa.

Sa panayam ng Star Fm Bacolod lay Ivy Nacor, OFW sa Hongkong, ayon sa kanyang kalagayan ay wala siyang natatanggap na mask mula sa mga amo dahil hindi umano sapat ang inorder ng mga ito mula sa US at napahamahal din ng presyo kaya hindi siya kasama sa pwedeng magsuot dahil mas priority na pasuotin ang mga batang binabantayan niya..

Mabuti na nga lang aniya at may mga mababait siyang kababayan na binibiyan siya kahit pa isa-isa.

Dagdag pa ni Nacor na ginagawa naman niya ang paraan para manatiling malusog kagaya ng ilang OFWs na nauubosan din mask na maisuot at magtutungo na lamang siya sa Philippine Consulate office para magbakasakaling makakuha ng na pinamimigay.