-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine consulate general sa Milan na isang overseas Filipino worker (OFW) ang nasawi kasunod ng isang insidente ng panloob sa Milan.

Ayon sa konsulada, ang naturang Pinoy ay isang 61 anyos na household helper kung saan kasalukuyan siya noong nasa loob ng apartment ng kaniyang Israeli employer noong mangyari ang krimen.

Hindi na rin inilabas ng konsulada ang pangalan ng biktima ngunit tiniyak ang tulong para sa naulilang pamilya.

Tutulong din ang konsulada sa pagpapauwi sa mga labi ng nasawing Pinoy.

Samantala, tuluyan ding naaresto ng local police ang suspek.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay isang 28-anyos na Gambian citizen.