-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hustisya rin ang sigaw ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs) sa Kuwait kaugnay sa pagpatay kay Jullebee Ranara.

Ayon kay Bombo International Correspondent Maria Luz Leopa sa Kuwait na taga GenSan na nabigla siya at natakot ng malaman ang nangyari lalong-lalo na naging kasama niya si Ranara sa training center.

Nag-alaman nito ang naturang balita mula sa social media na naging usap-usapan lalong lalo sa mga OFWs sa Kuwait………

Ayon sa kanya maraming OFWs sa naturang bansa ang hindi maganda ang naranasan.

Kahit siya ay nakaranas rin nang pagmamalupit kung saan halos walang pahinga sa trabaho at kanin lang ang kinakain.

Dahil dito umalis siya sa unang employer nito at ngayon mabait ang kanyang seniserbisyohang pamilya.