CAUAYAN CITY – Hindi makapaniwala ang anak ng overseas filipino worker sa bansang Oman na magagawa nitong kitlin ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni kay Mark Anthony Laman sinabi niya na sa pamamagitan ng Bombo Radyo Cauayan ay nalaman nila ang nangyari sa kaniyang ina na si Gng.Analiza “Analyn” Laman Cagurangan
Sinabi niya na huli silang nag-usap ng ina nitong nakaraang araw, tinanong pa ng ina kung natanggap na nila ang padala niyang pera para sa kanila.
Samantala, naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Fernando Molina Cagurangan, asawa ni Analiza, sinabi niya na pitong buwan pa lamang na nagtratrabaho si Analiza sa Oman.
Matagal na rin umano silang nagpasyang mag-asawa na maghiwalay ng landas.
Kanyang idinagdag na matagal na rin silang walang ugnayan ng dating misis matapos ang kanilang paghihiwalay.
Sa ngayon aniya ay pinayuhan siya ng OWWA na Makipag ugnayan sa DFA upang maasikaso ang pagpapauwi sa labi ng OFW .
Tinutulungan na rin sila ng pamahalaang lokal ng San Mariano at maging ang tanggapan ng DOLE upang maiuwi ang labi ng kanyang asawa.
Ang pagpapakamatay ng biktima ay kinuhanan pa niya ng video.