VIGAN CITY – Nakahing na rin ng maluwag mula sa paghihirap ang isang overseas Filipino worker sa Saudi Arabia.
Si na taga-Ilagan City, Isabela n pinagmalupitan at binaboy ng kaniyang amo dahil makakauwi na ito sa bansa bukas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, masayang ibinalita ni Marilou Tamano, 29 –anyos na makakauwi na ito bukas at makakapiling na nito ang kaniyang pamilya na hindi niya nakasama sa loob ng mahigit na isang taon at limang buwan sa tulong ng mga concerned government agency at ang mismong recruitment agency nito.
Ilang araw ding nanatili sa Philippine Overseas Labor Office sa Al Khobar, Saudi Arabia si Tamano matapos na ma-rescue ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iba pang grupong nagmamalasakit sa mga OFW sa nasabing bansa.
Nasaklolohan si Tamano matapos na mag-post sa social media si Marilou de Guzman–Cabotage na taga-Aquib, Narvacan na miyembro ng isang grupo ng mga OFW sa Saudi Arabia nang makita ang sitwasyon ng biktima.
Bukod sa minamaltrato, pinapasukan pa ng amo nitong babae ang ari ni Tamano ng plastic bottled water at nilalagyan pa ng chili powder.
Maliban pa dito, pinaghuhubad din si Tamano at vini-video ng amo nitong babae.