-- Advertisements --
Singapore Merlion
Merlion

BAGUIO CITY – Mahigpit ang pagbabantay at pagmo-monitor ng bansang Singapore sa iba’t ibang establisyimento para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 o ang Corona Virus Disease.

Sa panayam ng Star FM Baguio kay Bombo international correspondent Jhay Bugan, isang food handler sa Singapore, sinabi nitong tuloy pa rin ang kanilang trabaho kaya todo ang kanilang pag-iingat.

Anya, sa kanilang pinagtatrabahuhan na isang catering business ay mahigpit na ang mga alituntunin para sa ikaliligtas ng marami.

“The Government is working so hard para hindi kumalat lalo ang virus kaya nagtaas sila ng orange level para na rin sa awareness at precautions ng mga nandito. Actually, they used the military involvement para magbigay ng free mask at mga sanitizers. Lalo na sa part namin kasi we are food handlers, dapat naka-mask at gloves talaga kami, at tsini-check ang daily temperature namin. Most important ang prayers din. Alam naman natin, God’s protection is still the best kaya I’m very grateful naman kasi I’m still okay.”

Sa kasalukuyan ay nasa Orange Alert Level na ang bansa kung saan umabot na sa mahigit na 40 ang infected ng deadly virus.