Dumating na sa bansa ang mga repatriated Filipino OFWs mula Hubei,China lulan sa Royalair Airline.
Alas-7:00 kaninang umaga ng lumapag sa Clark International Airport sa Pampanga ang chartered flight.
Na delay ang flight ng Royalair na dapat alas-5:00 kaninang umaga dumating.
Agad na sinalubong nga mga tauhan ng DFA at DOH team para iwelcome ang mga repatriates.
Batay sa unang datos nasa 26 mga Filipino ang dumating sa bansa kung saan isasailalim sila sa 14 na araw na quarantine sa Athletes village sa Capas, Tarlac.
Pero sa ngayon hindi pa sinasabi ng DOH at DFA kung ilan sa mga pinoy ang boluntaryong nagpa repatriate.
Pero ilan kasi sa mga Pinoy ang umatras at hindi na tumuloy para umuwi ng bansa.
Ang Hubei kasi ang siyang epicenter ng outbreak ng deadly corona virus.
Bago bumaba ng eroplano, sinuri muna ang mga repatriated OFWs kung maayos ang kalusugan ng mga ito.
Nasa eight-member health emergency response team mula sa DFA at DOH sumalubong na medical personnel ay nakasuot ng personal protective equipment.
Tumagal lamang ng higit 30 minuto ang examinasyon sa mga Pinoy OFWs mula Hubei at agad isinakay sa dalawang coaster at dinala sa Capas, Tarlac.