-- Advertisements --

Hinatiran ng relief packs at tulong pinansiyal mula sa pamahalaan ang daan-daang overseas Filipino workers na apektado ng tumamang magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan noong Abril 3.

Ayon kay Manila Economic and Cultural office (MECO) Chairman Silvestre Bello III, nakipagkita siya sa lider ng Filipino community groups na nagmula sa iba’t ibang lugar sa Taiwan doon sa Hualien county kung saan ipinaalam sa kaniya ang epekto ng lindol sa kanilang buhay.

Ayon pa kay Bello, namahagi ang ahensiya ng mahigit P264,000 para sa emergency use ng OFW organizations.

Binigyang din ng MECO ng mahigit P17,000 na tulong pinansiyal bawat isa ang mga OFW na nasugatan sa malakas na lindol.

Maliban dito, nakipagkita rin si Bello sa mga opisyal ng Hualien county at pinasalamatan ang mga ito para sa pagtiyak sa seguridad at kapakanan ng mga Pilipino sa lugar na naapekthan ng lindol.