KORONADAL CITY – Umaapela ng tulong ang mga OFWs na asylum seekers sa bansang Cyprus matapos maipit sa krisis dulot ng COVID-19.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mary Jane Sulay, isang OFW sa nasabing bansa at residente ng Tboli, South Cotabato, inihayag nitong marami silang mga kababayan ang nawalan ng trabaho dahil sa ipinapatupad na “no work no pay” policy sa naturang bansa.
Kaya nagdesisyon siyang mag-part time sa ibang mga trabaho sa loob ng isang taon bago nawalan ng trabaho at walang sweldo sa loob na ng dalawang buwan.
Pinangakuan rin umano sila ng Philippine Overseas Labor & Office (POLO) na bigyan ng P10,000 na ayuda ngunit walang dumating.
Sa ngayon tinutulungan sila ng isang grupo ng mga OFWs sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng food packs.