-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kasalukuyang naka-house na sa magkaibang isolation unit facilities ang nasa halos 100 overseas Filipino workers (OFWs) na dating stranded ng ilang buwan sa Metro Manila matapos maabutan ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Nakabalik na ang ang mga OFWs sakay ng 2Go vessel na dumaong sa puerto ng Macabalan, Cagayan de Oro City kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Coast Guard Northern Mindanao spokesperson spokesperson Ensign Jerich Ybañez, sinabi nito na sinundo nila ang ng kani-kanilang local government unit officials at ibang sangay na tanggapan ng gobyerno na naatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte para mag-asikaso sa kanila.

Inihayag ni Ybañez na bago kunin ng mga LGUs ang mga OFWs ay sumabak muna sila sa mahigpit na health procedure protocols upang matiyak na walang positibo sa kanila ng COVID-19.

Lahat ng OFWs na nakabalik sa Mindanao ay sasailalim sa mandatory quarantine sa isolation unit ng kanilang respective LGU bilang pagsunod na rin ng protocols laban bayrus.

Magugunitang 26 sa stranded OFWs ay mula Bukidnon, 22 sa Misamis Oriental, 21 sa Cagayan de Oro City, 11 sa Lanao del Norte, siyam sa Iligan City, tatlo sa Misamis Occidental, isa sa North Cotabato at mayroong 15 na bumaba sa Dumaguete City upang pumunta rin sa Negros Occidental.