-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Pinaiiwas sa ngayon ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na lumabas at makihalubilo sa mga ralyista kasabay ng malawakang kilos protesta sa Minneapolis.

Ito’y matapos na magpalabas ng executive order si Minnesota Gov. Tim Wultz dahil sa patuloy na paglala ng sitwasyon kasunod ng pagkamatay ng 46-anyos na Black Amerikan na si George Floyd matapos tinuhod ito ng pulis na si Deric Sioven sa kanyang leeg habang nasa kustodiya nito.

Ang ginawa ng pulis ang naging dahilan nang pagkamatay ng suspek kung saan ang pinagmulan lamang umano ay ang report kaugnay sa pekeng dolyar na ibinigay ni Floyd sa tindera.

Ayon kay US Bombo International Correspondent Daniel Guden, naka-deploy na rin sa ngayon ang National Guard sa Minneapolis dahil sa patuloy parin ang mga karahasan sa naturang lugar,

Sa katunayan, naitala ang pagnanakaw sa mga tindahan at panunug ng mga raliyesta sa mga gusali kabilang ang Minneapolice Police station.

Samantala, nanawagan naman sina US President Donald Trump, mga senador at kongresista na masusuing imbestighan ang naturang pangyayari.