Pinaiimbestigahan ni Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin Jr. sa pamahalaan ang insidente ng pagpapakamatay ng isang Chinese national mula sa isang gusali sa Las Piñas City.
Ikinabahala ni Locsin ang posibilidad na maapektuhan ang mga Pilipinong manggagawa sa China kasunod ng insidente.
IT makes no difference if a Chinese national is the killer. FAILURE TO BRING THE KILLER TO JUSTICE—like failure to off the cops who kidnapped a Korean, strangled & cremated him, flushed his ashes in a PNP toilet then demanded ransom from unwitting widow is sign of failed state,” ani Locsin.
“We go down this road of letting Chinese nationals be hurt, our people in China will pay.”
Batay sa ulat, tumalon mula sa binatana ng ikaanim na palapag ng isang gusali ang 27-anyos na si Yang Kang.
Dead on the spot ang dayuhan na naka-posas at sinasabing tumakas mula sa kanyan employer.
Una ng nangako ang Malacanang na papanagutin ang nasa likod ng insidente kapag natapos na ang ginagawang imbestigasyon.
Hinimok din ng Chinese government ang pamahalaan ng Pilipinas na gawing ang patas na aksyon sa insidente.
Batay sa record ng gobyerno nasa 12,000 ang bilang Pinoy workers na nasa China.