-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Suspendido na ang mga klase at ilang opisina sa Bahrain dahil sa nagpapatuloy na banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay Em-Em Moralida, domestic helper sa Galali Al Muharraq Bahrain, na hindi na sila pinapayagan ng kanilang mga amo na lumabas ng bahay.

Karamihan daw kasi sa mga residente ng lugar ay maramihan na lamang kung bumili ng pangangailangan kagaya ng groceries para maiwasan ang pagpunta sa mga matataong lugar.

Sa ngayon nasa 33 na ang bilang ng mga nagpositibo sa novel coronavirus sa naturang lugar habang wala pa namang naitatalang fatalities.