-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Nag-panic ang ilang mga residente sa Cayman Islands ng maramdaman ang malakas na 7.7 magnitude na lindol na tumama sa northwest coast ng Jamaica kasunod ang pag-issue ng early stunami warning.

Sa ulat ni Star FM Bacolod international correspondent Romeo Samson, sinabi nito na slabis obrang kinatakot nila ang paglabas ng stunami warning dahil mababa lang umano ang Cayman Islands na sakop ng Caribbean Sea.

Karamihang aniya ay napabili agad ng ticket para bumyahe sana ng Miami sa takot na baka magkaroon ng tidal wave.

Kalmado na aniya ngayon matapos tanggalin ang tsunami warning sa Cayman Islands ganoon din sa Cuba at Jamaica pero 90% ng mga establisyemento ay nagsara at hindi na pinabalik pa ang mga emplyedo.

Pero babalik na aniya ang normal na trabaho bukas.

Dagdag pa ni Samson na nasa mabuting kalagayan naman aniya silang mga Pinoy sa Cayman Islands at patuloy lang na nagiging alerto sa gitna ng nararamdaman pang aftershocks.

Ayon naman kay Badjo Lee, Pinoy na nasa Jamaica, wala namang naiulat na nasaktan lalo na sa mga Pilipino pero lagi din silang naghahanda sa kung ano man ang mangyayari.