-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Dumarami na umano ang mga Pinoy workers sa China na gustong umuwi sa Pilipinas na nawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease 2019.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Glory Eheng, restaurant worker sa Shengzen, China naka-lock down pa rin ang halos lahat ng community doon at tanging mga rehistrado o may hawak na gate pass ang pinapapasok.

Wala na rin aniya silang pinagkakakitaan doon matapos magsara ang karamihang negosyo dahil sa banta ng COVID-19 kung kaya nais na nilang umuwi.

Subalit, nangangamba si Eheng sa umano’y balita na tanging mga OFW lamang sa Wuhan ang isinasailalim sa repatriation ng gobyerno.

Dagdag pa ni Eheng na karamihan sa mga OFW sa China ay walang kaukulang mga dokumento.