-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naalarma ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Dubai dahil sa impormasyong nababasa nila online na bobombahin ng Iran ang kanilang bansa.

Sa mensaheng ipinadala ni Bombo International Correspondent Mariane Currammeng, tubong Dingras, Ilocos Norte at nagtatrabaho sa isang 5 star hotel sa Dubai, sinabi nitong hinigpitan ng mga otoridad ang pagbabantay sa airport at sa mga pampublikong lugar.

Hinigpitan na rin aniya ng management ng hotel ang seguridad at nagsasagawa ng training para alam nila ang gagawin sa anumang mangyari sa kanilang bansa.

Sinabi pa ni Currameng na base sa gobyerno ng Dubai ay walang katotohanan ang nababasa nila na bobombahin sila ng Iran.

Ngunit karamihan sa mga Pilipino ay nangangamba na baka mangyari ang nasbaing impormasyon.