-- Advertisements --

NAGA CITY – Apektado ngayon ang pagdiriwang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong para sa Chinese New Year dahil sa banta ng coronavirus.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maria Samillano isang OFW sa Hong Kong, sinabi nitong nagsimula sana ngayong araw hanggang sa Enero 28 ang kanilang rest day subalit mas pipiliin na lamang nilang huwag lumabas kesa makipagsiksikan sa mga matataong lugar.

Ayon kay Samillano, mahirap na umano lalo na sa ngayon na winter na mas prone sila sa sakit at mga virus.

Aniya, hindi nila kayang isakripisyo ang kanilang mga kalusugan lalo na at may mga pamilyang umaasa sa kanila sa Pilipinas.

Una nang kinumpirma ni Samillano na halos triple na ngayon ang presyo ng mga masks sa nasabing lugar dahil sa banta ng naturang virus.