-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Hong Kong (HK) na maituturing na government property ang Philippine passports na iginagawad sa kanila.

Nangangahulugan ito na hindi maaaring gamitin ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pasaporte bilang collateral sa anumang loan.

Ang paalalang ito ng DFA ay kasunod nang pagkakakumpiska ng mga pulis sa Hong Kong ng nasa 1,400 na Philippine passports mula sa isang lending comapany.

Ito’y matapos na ginagawang collateral daw ng ilang manggagawang Pilipino roon ang kanilang passports para makakuha ng loans.

Nakasaad sa ilalim ng Foreign Service Circular No. 2014-99 ang pagbabawal sa paggamit ng mga pasaporte bilang collateral.