-- Advertisements --

ROXAS CITY- Takot ang naramdaman ngayon nga mga Overseas Filipino Worker’s (OFW’s) sa Israel dahil sa sunod sunod na rocket attacks mula sa militanteng Hamas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Bombo International Correspon-dent Philip Delos Santos Caragos, caregiver sa Tel Aviv, Israel at tubong Barangay Ilaya, Ivisan Capiz, sinabi nito na halos hindi na sila makatulog sa takot sa tuwing makakarinig ng sirena na hudyat na kailangan nilang magtago dahil may papararing na rocket mula sa kalaban.

Aniya sa loob ng 12 taon nitong pagtatrabaho sa nasabing bansa, ito ang pinaka-kinatatakutan niya na naranasan.

Ayon pa kay Caragos sa simula ng giyera noong Sabado sa pagitan ng Israeli at Hamas militants masobra 300 na mga Palestino ang nakapasok sa Israel na nagresulta ng pagkamatay ng 250 na indibidwal.

Umabot rin sa 6,000- 7,000 na rockets ang bumabagsak sa Israel sa loob lamang ng isang araw.

Protektado rin aniya ng militar ng Israel ang mga residente kabilang na ang mga foreigners sa lugar.

Nagpaalala lamang ang Israeli government sa mga mamamayan na manatili sa kanilang bahay at i-monitor ang kanilang cellphone para malaman kung saang lugar ang may bomba sa pamamagitan ng red alert warning.