KORONADAL CITY – Pinawi ng mga OFWs sa Japan ang pangamba ng pagdapo ng novel coronavirus sa cruise ship kung saan nananatili ang mga pasaherong naka-contain bunsod ng naturang virus.
Iniulat ni Bombo international correspondent Maribeth Tagalog na kaagad nagpatupad ng alerto o lockdown ang Singapore upang hindi kumalat ang nCoV.
Ito’y matapos nakumpirma na isang tour guide ang nagpositibo sa nCoV at posibleng nadapuan ang iba pa na umaabot na sa 135.
Sinasabing apat na amga Pinoy crew ang kabilang sa nahawa.
Napag-alaman naman ni Tagalog, nananatiling stable ang suplay ng mga pagkain at mga gamit ng mga pasahero at crew sa Diamond Princess.
Pinuri rin nito ang kahandaan ng Japan na mabilis tumugon sa anumang krisis, kalamidad o epidemiya.
Payo na lamang nito na pag-ibayuhin ang pag-iingat at magsuot ng facemask upang hindi mahawaan ng naturang sakit.