LA UNION – Mag-uumpisa ulit sa wala ang mga Overseas Filipino Worker sa bansang Lebanon kasunod ng malakas na pagsabog sa mismong city port ng Beirut.
Ito ang sinabi sa exclusive interview ng Bombo Radyo La Union kay Jemadel Casem Mapili ng Barangay Cabaroan sa bayan ng Bacnotan at higit 10 taon ng nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Ayon kay Jemadel, hindi umano nila inasahan ang malakas na pagsabog kung saan halos kabuuan ng 14 na palapag ng kanilang tinitirahan ay wala umanong natira.
Sa tagal na umano nito sa Lebanon ay ngayon pa lang ito nakaranas ng malakas na pagbasabog sa nasabing bansa.
Kung maalala, kababalik lang umano nilang lahat kasama ang kanyang mga employer sa bahay ng mga ito mula sa bundok ng mangyari ang malakas na pagsabog.
Kaugnay nito, bumalik ulit sila sa bundok kung saan may iba pang bahay ang kanyang employer doon. Wala naman dapat na ipag-alala ng kanyang pamilya sa Pilipinas dahil nasa mabuti silang kalagayan at suspisyente ang supply ng kanilang pagkain sa kabila ng nangyari sa bansang Lebanon.