-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagsimula nang bumili ang mga overseas Filipino workers (OFW) sa Tripoli ng kani-kanilang sariling generator sets upang mapaghandaan ang paglala ng kaguluhan sa Libya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Louiechito Batoon Jaramillo, chairman ng OFW Organization sa Tripoli at maintenance planner sa isang kompanya ng langis, karamihan na sa mga Pilipinong manggagawa sa Libyan capital ay mayroon nang naka-standby na generator.

Sinabi pa ni Jaramillo na tubong Ilocos Sur na sa ngayon ay normal pa rin ang sitwasyon sa kanilang pinagtatrabahuang kompanya ng langis sa Libyan capital.

Maging ang linya ng mga telekomunikasyon ay normal pa rin sa kabila ng panaka-nakang labanan sa pagitan ng mga sundalo at nag-aaklas na mga sibilyan.