Nakatakdang pumirma ng kontrata si Knicks Small Forward OG Anunoby na magdadala sa kanya bilang highest-paid player sa kasaysayan ng koponan.
Batay sa report ng NBA, aabot sa $212.5 million ang extension offer ng Knicks para sa bagitong forward/guard.
Unang nakuha ng Knicks si Anunoby noong kalagitnaan ng nakalipas na season mula sa Toronto Raptors at agad siyang ipinasok ng koponan sa starting 5.
Ilang mga maximum contract din ang inalok ng ibang koponan kay OG ngunit pinili umano niyang manarili sa Knicks upang tulungan ang koponan na makakuha ng title. Mula 1973 ay hindi pa nagagawa ng Knicks na makakuha ng championship.
Maalalang sa nakalipas na season ay nakapasok ang Knicks sa Playoffs at umabot sa ikalawang elimination round sa kabila ng kawalan ng star player.
Tinalo nito ang Philadelphia 76ers sa unang elimination ngunit tuluyan ding natalo sa Pacers sa game 7 ng conference semis.
Sa naging playoffs run ng Knicks, nag-ambag si OG ng average na 15.1 points, 6.0 rebounds and 1.1 assists sa loob ng 9 games.