-- Advertisements --
Handang magpaturok ng ibang brand ng bakuna kontra COVID-19 si Ogie Alcasid.
Sinabi nito na nag-research sila ng asawang si Regine Velasquez kung saan ilan sa mga napipili nila ay ang Pfizer, Moderna o AstraZeneca na mabisa laban sa nasabing virus.
Kapag mayroon na ang mga nabanggit na bakuna sa bansa ay hindi na ito magdadalawang isip na magpaturok.
Naging malaking epekto ang nasbing virus sa kanila dahil sa dito pumanaw ang ama nitong si Herminio Alcasid Sr.
Dagdag pa ni Ogie na naging mahirap sa kanila dahil sa hindi nakikita ang virus.