-- Advertisements --

Tinawag na ‘fake news’ ni Ogie Alcasid ang kumalat sa social media na ito ay patay na.

Nagpost ito sa kaniyang Instagram account para patunayan na ito ay buhay pa.

Tiniyak nito sa kaniyang mga fans na wala itong sakit at maganda ang kalusugan niya.

Nanawagan na lamang siya sa mga tao na magmahalan na lamang at iwasan ang magkalat ng mga pekeng balita.

Lumabas kasi sa balita na natagpuan itong patay sa loob ng kaniyang sasakyan.

Hindi lamang ang singer ang unang nabiktima ng ‘death hoax’ maging ang ilang mga kasamahan nito sa showbiz ay nabiktima na rin.