-- Advertisements --

Itinanggi ng singer na si Ogie Alcasid na maghihiwalay na sila ng asawang si Regine Velasquez.

Kasunod ito sa pagkalat ng isang social media page ukol sa paghahain ng dalawa ng divorce.

Sinabi nito na isang ‘fake news’ ang nasabing post at ito ay walang katotohanan.

Nanawagan ito sa mga fans niya na i-mass report ang nasabing page para matanggal na ito.

Hinikayat naman siya ng kaniyang mga followers na kasuhan ang nasa likod ng pagpapakalat ng nasabing mapanirang social media post.