Patay ang 16-anyos na batang babae na isang black American matapos binaril ng isang police officer sa estado ng Ohio, Amerika habang rumisponde sa tangkang pananaksak.
Kinilala ang biktima na si Ma’Khia Bryant.
Nakita sa bodycam footage ng Columbus police mula sa eksena na nagpapakita na ilang katao ang umaatake sa isang tao bago pinagbabaril ng maraming beses ang batang babae.
Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon kasama ang mga opisyal at hinimok ang mga lokal na residente na manatiling kalmado.
Hindi pa pinangalanan ang police officer na nakabaril-patay sa biktima ngunit isinailalim na ito sa “paid administrative leave”.
Ang footage ng bodycam na ibinigay ng pulisya ay nagpapakita na may pagtatalo sa isang pangkat ng mga indibidwal sa labas ng isang bahay kung saan isa sa kanila ay sinasabing si Bryant na nagmula sa ibang miyembro ng grupo.
Depensa ng pulisya napilitan silang magpaputok ng baril upang iligtas ang buhay ng isang babae rin na pinipigil ng suspek.
Bagaman sinabi naman ng tiyahin ni Ms Bryant na ipinagtanggol lamang ng kaniyang pamangkin ang sarili nito matapos atakehin.
Kasalukuyang nagsagawa na ng imbestigasyon ang Ohio Bureau of Criminal Investigation.
Ilang residente naman sa lugar ang agad ding naglunsad ng kilos protesta upang kondenahin ang pangyayari.
Ang insidente ay naganap ilang oras lamang nang ibaba ang guilty verdict ng jury laban naman sa dating policeman na si Derek Chauvin doon sa Minneapolis. (with reports from Bombo Jane Buna)