-- Advertisements --
Gamboa 6
PNP on rescue

CENTRAL MINDANAO-Binisita mismo ni PNP OIC Chief,Lieutenant General Archie Gamboa ang mga evacuation sites sa bayan ng Makilala Cotabato.

Namigay ng pagkain,tubig at relief goods ang Heneral katuwang ang PNP-Cotabato sa pamumuno ni Colonel Maximo Layugan.

Nangako rin si Gamboa na magbibigay ng cash assistance sa mga pulis na naapektuhan ng lindol.

Una ng namahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol na pumunta mismo sa ground zero na sina Senador Bong Go, Senador Bong Revilla, Senador Francis Tolentino, Senador Sonny Angara, Davao De Oro Governor Jayvee Tryron Uy, Agusan Del Sur Governor Santiago Cani, Antonio Floreindo Sr. Foundation ng Tadeco, Tzo Chi Foundation of Taiwan, BARMM-Govnt, Maguindanao Gov Bai Mariam Sangki Mangudadatu, Mayor Datu Otho Montawal, Congressman Toto Mangudadatu, South Cot Govnt, Sultan Kudarat Govnt,Sarangani Govnt, Davao City Mayor Inday Sarah Duterte at marami pang iba.

Ngayon palang ay lubos na nagpapasalamat si Cotabato Acting Gov Emmylou”Lala”Mendoza sa lahat nang tumulong lalo na kay pangulong Rodrigo Duterte.

Patuloy naman na namamahagi ng tulong sa mga bakwit nang lindol ang provincial govnt ng probinsya ng Cotabato at pinasok na nito ang mga malalayong barangay.