-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nadagdagan ang mga kompanya na magbabawas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa Baguio City.

Resulta ito ng nagpapatuloy na pakikipag-ugnayan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga oil firms sa lungsod.

Ayon kay Shell District Manager Jon Cuadra, simula ngayong araw ay mababawasan ang presyo ng mga produkto ng kanilang kompanya habang una nang nagbawas ng presyo ang Petron.

Pinagpaliwanag ng Department of Energy ang mga oil firms sa lunsod dahil sa mas mataas na presyo ng mga petrolyo sa Baguio City kumpara sa ibang lugar.