-- Advertisements --

Magiging bahagya lamang umano ang paggalaw sa mga presyo ng produktong petrolyo sa darating na linggo.

Batay sa mga impormante mula sa oil industry, papalo lang sa P0.05 hanggang P0.10 ang umento sa kada litro ng gasolina.

Posibleng hanggang P0.05 naman ang magiging tapyas sa kada litro ng diesel.

Habang sa kada litro ng kerosene, magkakaroon ng dagdag na P0.15 hanggang P0.20.

Sa araw ng Martes karaniwang ipinatutupad ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo.