-- Advertisements --

Sa ika-apat na sunod na linggo, tuloy na tuloy na ang ipatutupad na pagtaas ng presyo sa mga produktong petrolyo.

Aabot sa P0.70 hanggang P0.80 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at gasolina habang P0.75 hanggang P0.85 naman ang umento sa kada litro ng kerosene.

Karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment sa araw ng Martes.

Samantala, may umento rin sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) na ipatutupad sa Labor Day.

Papalo sa P0.50 hanggang P1 ang dagdag sa presyo ng kada kilo ng LPG.