-- Advertisements --

Nakatakdang magpatupad ng dagdag presyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.

Mayroong P0.60 sa kada litro ang idadagdag sa gasolina habang mayroong hanggang P0.10 ang idadagdag sa kada litro ng diesel wala namang inaasahang dagdag presyo kerosene.

Ipapatupad ang panibagong paggalaw ng presyo ng mga langis sa araw ng Martes, Setyembre 22.

Sinasabing ang pagtaas ng presyo sa world markets ng mga langis ang siyang dahilan ng nasabing pagtaas ng presyo ng produktong langis.