-- Advertisements --
Magpapatupad ng panibagong taas presyo ng mga produktong langis sa bansa.
Tinatayang maglalaro mula P1.90 hangang P2.00 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang P2.10 hanggang P2.20 sa kada litro ng diesel at P2.60 hanggang P2.70 sa kada litro ng kerosene.
Inaasahang ipapatupad ang dagdag presyo sa araw ng Martes, Mayo 26.
Ito na ang pangatlong sunod na taas presyo ng mga produktong langis sa bansa.