-- Advertisements --
Magpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.
Mayroong P0.50 hanggang P0.60 sa kada litro ang itataas ng gasolina, diesel at kerosene.
Ang nasabing pagtaas ay siyang pang-limang magkakasunod na linggo na kung saan isasagawa ang pagtaas ng presyo sa araw ng Martes, Disyembre 15.
Itinuturong dahilan ng pagtaas ay dahil daw mayroon nang naimbentong bakuna laban sa COVID-19.