-- Advertisements --

Muling magtataas ang presyo ng mga produktong langis sa bansa.

Maglalaro mula P0.35 hanggang P0.45 sa kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina.

Mayroon namang P0.25 hanggang P0.35 sa kada litro ng diesel at P0.55 hanggang P0.65 sa kada litro naman ng kerosene.

Ang pagtaas ay magiging epektibo sa araw ng Martes Abril 27.

Itinuturong dahilan ng pagtaas ay ang pandaigdigang demand ng langis sa ibang bansa.