Matapos ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa unang linggo ng 2025, taas presyo naman ang bubungad sa mga motorista sa susunod na linggo.
Base sa international trading sa nakalipas na 4 na araw, tinatayang magkakaroon ng umento sa gasolina na P0.40 hanggang P0.70 kada litro.
Sa diesel naman, inaasahang magkakaroon ng taas presyo na P0.75 hanggang P1.00 kada litro.
Habang sa Kerosene naman, inaasahan ang umento na P0.70 hanggang P0.80 kada litro.
Ayon kay Department of Energy (DOE) – Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang mga factor na naka-impluwensiya sa paggalaw ng presyo ng mga langis ang pagpapalawig ng OPEC+ ng production cuts hanggang Abril 2025, posibleng pagtaas ng demand sa heating fuels sa US at Europa at geopolitical risks at trade tensions.
Inaasahan na sa araw ng Lunes, Jan.6, ia-anunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang opisyal na price adjustments at ipapatupad sa araw ng Martes, Enero 7.