-- Advertisements --
Sa ika-apat na sunod na linggo, epektibo na ang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Papalo sa P0.75 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.80 sa halaga ng kada litro ng diesel.
Tumaas din ang presyo ng kerosene o gaas sa P0.90 kada litro.
Unang nagpatupad dakong alas-12:01 ng hatinggabi ng oil price hike ang Caltex at Eastern Petroleum.
Ang ibang kumpanya ay sumunod naman sa pagpapatupad ng oil price hike dakong alas-6:00 ng umaga.
Sa datos ng Department of Energy (DoE), mula Enero hanggang Abril 29, papalo na sa P10.29 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolia habang P7.64 naman sa diesel at P5.17 sa kada litro ng kerosene.