-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang taas presyo sa kanilang produkto. Mayroong dagdag na P0.20 sa kada litro ang gasolina habang ang diesel ay tumaas ng P1.05 sa kada litro.
Nagdagdag din ng P1.20 sa kada litro ang kerosene.
Ayon sa Department of Energy na ang dagdag presyo ay bunsod ng paglakas ng demand sa China at India kahit na inanunsiyo ng Saudi Arabia na magbabawas sila ng produksyon sa buwan ng Hulyo.
Samantala..
Inanunsiyo ng naman ng kumpanyang Regasco ang P3.00 na bawas presyo sa kada kilo ng kanilang liquefied petroleum gas o LPG.
Ayon sa nasabing kumpanya na simula ngayong araw Hunyo 27 ang nasabing rollback ng LPG.