-- Advertisements --

Nagsimula na ang mga kompaniya ng langis sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang produkto.

Mayroong P0.79 sa kada litro ng diesel at P0.75 naman ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong P0.70 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang pang-apat na linggo sa pagtaas ng presyo ng langis na ang itinturong dahilan ay ang malaking demand sa pandaigdigang pamilihan.