-- Advertisements --

Nagsimula na ang mga kompaniya ng langis na magpatupad ang dagdag presyo ng kanilang produkto.

Mayroong P1.00 ang dagdag na presyo sa kada litro ng gasolina at P0.65 nama sa kada litro ng diesel.

Mayroon namang P0.70 ang itataas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Ilan sa mga kompaniya ng langis ay nagsimula ng nagtaas maliban lamang sa Cleanfuel na alas-4:01 pa ng hapon kahapon ng magpatupad ng taas presyo.

Ito na ang ikalimang magkakasunod na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa na ang sinasabing dahilan ay ang humina ang palitan ng piso laban sa dolyar at tumaas ang demand ng langis sa America, Europa at China.