-- Advertisements --

Nagsimula na ang mga kumpanya ng langis ng kanilang dagdag presyo ng kanilang mga produkto.

Mayroong P1.10 sa kada litro ng diesel at P0.85 sa kada litro ng gasolina ang itinaas ng kumpanyang Shell, Petro Gazz, Seaoil, Cleanfuel, Caltex, Petron, PTT Philippines at Flying V.

Mayroon namang P1.00 pagtaas sa kada litro ng kerosene.

Mamayang 4:01 ng hapon magsisimulang magtaas ng kanilang produkto ang kumpanyang Cleanfuel.

Isa sa dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.