-- Advertisements --
Isang oil price hike ang nakatakdang ipatupad ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Batay sa mga impormante mula sa oil industry, papalo ng mula P0.30 hanggang P0.40 ang kada litro ng diesel.
May P0.20 hanggang P0.30 namang umento sa kada litro ng kerosene.
Habang sa presyo ng gasolina, posibleng wala o hanggang P0.30 ang magiging dagdag.
Ang paggalaw sa presyo ng gasolina ay dahil umano sa pagmahal ng ethanol na isa sa mga component.
Karaniwang ipinatutupad sa araw ng Martes ang adjustment sa oil prices.