-- Advertisements --
Nagpatupad ng dagdag presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis sa bansa kaninang ala-6 a.m.
Inanunsiyo ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Flying V, Pilipinas Shell Petroleum Corp, at SEAOIL ang P0.70 na pagtaas sa kada litro ng gasolina habang mayroong P0.30 sa kada litro ng diesel at P0.40 naman sa kada litro ng kerosene.
Maging ang ibang mga kumpanya ay mayroong parehas na pagtaas pa rin sa kanilang presyo.
Inaasahan naman na susunod ang ilang mga kumpanya ng langis ng pagtaas ng kanilang mga presyo.