-- Advertisements --

Nagpatupad na naman ng taas presyo ng kanilang mga produkto ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Simula kaninang ala-sais ng umaga nang magpatupad ng dagdag na P0.10 sa kada litro ng diesel habang mayroong price hike na P0.60 na dagdag sa kada litro ng gasolina.

Nagpatupad naman ng P0.05 na bawas presyo sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang pang-anim na sunod na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.