-- Advertisements --
Nagsimula na ang mga kompaniya ng langis sa pagpapairal nang pagtaas na naman sa presyo ng kanilang produkto nitong umaga ng Martes, Hulyo 20.
Mayroong P0.30 sa kada litro ng kerosene ang itinaas at P0.10 naman sa kada litro ng gasolina.
Umabot naman sa P0.10 ang itinaas sa kada litro naman ng diesel.
Isa pa ring dahilan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay dahil sa mataas na demand sa pamilihan.